Sunday, July 17, 2011
Bakit kaya may mga taong tamad maglinis sa kanyang kapaligiran at manhid sa katotohanan?
Ako po ay isang OFW, alam ng karamihan na ang pamumuhay dto ay medyo may kahirapan sa lahat ng bagay. Bibihira lang po ang pinalad at may maayos na pamumuhay at trabaho. Kanya po madalas maraming nagtitiis na makipagsiksikan sa iisang kwarto upnag mapagkasya kung ano ang meron sa kanyang bulsa. Sa apat na taon kung bilang OFW halos taun taon po kami lumilipat ng tirahan o Flat sa kadahilanan po mismo mga kapwa Pinoy din ang gumagawa ng mga kalokohan kasabwat ang mga nagpapaupa or Nator kung tawagin nila. Sa iisang Flat madalas may tatlong room kasama na ang Saloon na pinapaupahan din sa sitwasyun naming walong magkakaibigan may iisang room kami at pinaghatihatian namin ang bayarin sa halagang 4500dirhamos. May dalawamput isa kaming lahat sa loob ng iisang Flat o apartment. Sa sitwasyong ito bibihira lamang po ang tumatayong lider para gumawa ng mga bagay bagay isa na po rito ang kalinisan sa buong Flat o apartment. Minsan maituring ko po na para bang nasa Big Brother house kami. Sa umpisa gumawa kami ng skedyol ngunit dumating ang panahon na hindi na rin nasusunod hangat iilan ilan na lamang ang nanatiling gumagawa ng kaayusan at kalinisan. Madalas po ako ang gumagawa ng lahat, minsan pa nga naisip ko mahirap din pala maging katulong sa mga taong di marunong tumingin ng iyong kabutihan.Higit sa lahat ni kusing wala kang kapalit sa mga ginagawa mo. Hindi sa naghahanap ka ng kapalit ngunit bilang tao din may damdamin ka at napapagod din. Lahat ng bagay ginagawa ko sa paglilinis ng banyo at kubeta,kusina at lababo kasama na din ang kwarto at hallway.Kay hirap isipin dahil sa Pilipinas may sarili kang kasambahay samantala dito ikaw pala ay katulong din sa mga taong di mo naman gaanong kakilala para pagsilbihan. Minsan isang beses sinubukan kong tiisin halos dalawang linggo ngunit nakalipas ang mga araw ni isa wala manlang nagkusang gumawa sa mga bagay na yon. Bakit kaya ako di makatiis kapag nakikita ko ang maduming kapaligiran?Bakit kaya sila nakayanan nila na maging bulag at bingi sa mga pangyayari. Sadya bang wala talaga silang kusa o pakiramdam? Bakit kaya may mga taong tamad at umaasa na lamang sa iba? Bakit kaya ? Sa kabila ng lahat ng ito tuloy ko pa din ginagawa ang mga bagay na nakasanayan ko na. Salamat sa turo ng aking mahal na Ina dahil naging mabuti at masunuring tao ako. Maitanong ko lamang po kung bakit ganito....ikaw ganyan ka rin ba?Naalala mo pa ba kung kelan ka nakagawa ng mabuti sa iyong kapwa?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment